January 23, 2025

Dallas Mavericks, inipit ng Los Angeles Clippers

LOS ANGELES (AFP) ‒ Hinablot ng Los Clippers ang panalo Game 1 ng opening ng 2020 NBA playoffs.

Kumamada ng 29 points at 12 boards si Kawhi Leonard sa pag-ipit ng Clippers sa Dallas Mavericks, 118-110.

 “This is my tenth year in the league and I still get butterflies,” saad ni Paul George.

‘It took the second half for me to get going but I understood just to let the game flow.”

Nagtala si George para sa Clippers ng 27 points, 2 boards, 3 assists at 2 steals.

Samantala, gumawa naman ang 21-anyos na si Luka Doncic ng 40 points para sa Mavs. Siya rin ang first player sa NBA history na nagtala ng 40-point performance sa playoff debut.

Nagtala rin ng 9 assists at 7 boards at 3 steals ang Slovenian star.

 “He is the future,’ ani George na pinupuri si Doncic.

We didn’t expect to stop him but we wanted to wear him down as much as possible.”

Sinamantala ng Clippers ang pagkawala ni Kristaps Porzingis pagkatapos na ma-ejected ito sa laro. Tinulak kasi nito sa dibdib si Marcus Morris.

Naging dahilan iyon upang bigyan siya ng second technical foul. Nagtala naman si Porzingis ng 14 points at 6 boards sa loob ng 20 minutong paglalaro.

Narito ang buong stats ng laro.

DAL:Luka Doncic: 42 Pts. 7 Rebs. 9 Asts. 3 Stls. 11 TOTim Hardaway Jr.: 18 Pts. 6 Rebs. 1 Asts. 1 Stls. Seth Curry: 14 Pts. 3 Rebs. 2 Stls. Kristaps Porzingis: 14 Pts. 6 Rebs. 1 Asts. 1 Blks. (Ejected in 3rd Q)

LAC:Kawhi Leonard: 29 Pts. 12 Rebs. 6 Asts. 3 Stls. Paul George: 27 Pts. 2 Rebs. 3 Asts. 2 Stls. Marcus Morris: 19 Pts. 5 Rebs. 1 Asts. 4 Stls. Lou Williams: 14 Pts. 3 Rebs. 5 Asts. 1 Stls.