January 20, 2025

DALIPE KAY DUTERTE: HUWAG INTRIGAHIN ANG AFP, PNP

Huwag ng idamay sa partisan intrigues ang mga Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito naman ang pakiu­sap ni House Majority Leader Manuel Jose ‘Mannix’ Da­lipe kay dating Pang. Rodrigo Duterte sa posibilidad na mauwi sa pagkuwestyon sa propesyonalismo at pagiging neutral ng mga uniformed personnel.

“I respectfully appeal to former President Rodrigo Duterte to recognize the paramount importance of keeping our Armed For­ces and National Police free from partisan politics. These institutions serve as the bedrock of our nation’s security, and their effectiveness relies on unity and impartiality. We have already achieved so much in our quest to professionalize our military and police service. Let us not squander what we have accomplished by putting the AFP and the PNP in a bad light because of these baseless statements,” ani Dalipe.

Ayon kay Dalipe, hindi umano tama at patas na  tila idinadawit ni Duterte ang AFP at PNP sa political activities. Aniya, nagpakahirap ang PNP at AFP na maibalik ang kredibilidad at mataas na lebel ng propesyunalismo sa kanilang hanay.

Binigyan-diin ni Dalipe na mas dapat na isaisip ng dating pangulo ang kapakanan ng bayan kaysa sa pampulitikang interes.

Lipas na rin aniya ang panahon ng military adventurism at mas nakatuon ang PNP at AFP na gampanan ang kanilang madato salig sa Konstitusyon na siyang sandigan ng demokrasya at soberanya.

Sinabi rin ni Dalipe na walang basehan at premature para pag-usapan ang umano’y presidential ambition ni Speaker Martin Romualdez.

Aniya, masyado pang malayo ang pampanguluhang halalan at nakatuon ngayon ang liderato ng Kamara sa pagpapasa ng mga priority legislation ng administrasyong Marcos.

Mas makabubuti kung pagtutuunan muna ang panukalang makapagbigay benepisyo sa mas nakararaming Pilipino.