December 23, 2024

DALI IPINATAWAG NG DTI (Dahil sa sunod-sunod na reklamo)

Matapos ang sunod-sunod na reklamo laban sa kanila, kabilang na ang mula sa advocacy group na Malalayang Konsyumer, nag-isyu ang Department of Trade and Industry (DTI) Consumer Protection Group laban sa DALI Everyday Grocery.

Ayon kay DTI-CPG Undersecretary Amanda Nograles, naipadala na ang show-cause order sa DALI noong Mayo 29, 2024, na sumasaklaw sa 13 reklamo ng Malayang Konsyumer.

“To date, we have received numerous complaints against DALI, particularly about their erring employees. Also, instances such as a customer mistakenly accused as a shoplifter, that some cashiers are allegedly arrogant and rude were reported to us. These incidents are aside from earlier reports that there are discrepancies in the accuracy of the weight and pricing of chicken sold at DALI, and that ice is intentionally added to the chicken to artificially inflate its weight to one kilogram,” saad ni Nograles.

Bukod pa rito, kinuwestiyon ang isyu patungkol sa priority lanes na ibinibigay sa senior citizens at PWDs, dahilan para maglabas sila ng show-cause order laban sa local store.

Kabilang sa inirereklamo na mga branch ng DALI (na may mahigit 300 outlets) ay sa Marikina, Rizal at Parañaque.

Ayon kay Nograles, humingi na rin sila ng tulong sa Department of the Interior and Local Government na sumasaklaw sa mga lokalidad kung saan may sanitary issues ang DALI upang tignan ang mga reklamo ng mga consumer.

Una nang tinawagan ng pansin ng Malayang Konsyumer ang DTI Fair Trade Enforcement Bureau dahil sa kawalan ng akyon ng DALI Everyday Grocery management upang tugunan nag mga reklamo ng kanilang mga suki.

Sumulat si Atty. Fhillip Sawali, direktor ng DTI-FTEB kay Atty. Simoun Antonio Salinas, spokesperson ng Malayang Konsyumer, na siyang nagpaabot ng isyu sa ahensiya, na iimbestigahan na ahensiya ang naturang pangyayari.