Mga Cabalen, lumalabas na ang po ang katotohan at maliwanag pa sa sikat ng araw ang pagdating ng bagong pag-asa ng Cancaloo.
Kumpirmado na, mga Cabalen, na kumampi na kay Cong. Egay Erice sina Dist 2 Coun. Rose Mercado at Dist.1 Coun. Marilou Nubla matapos magbitiw sa kani-kanilang posisyon ng mayorya sa konseho ng Caloocan City.
Naging mainit naman ang pagtanggap ni Cong. Egay sa dalawang konsehal na bubuo sa limang incumbent councilors ng lungsod ng Caloocan.
Kinabibilangan ito nina Dist. 2 Councilors Alex V. Mangasar, Rose Mercado, Carding Bagus, Pj Malonzo habang sa Dist. 1 naman sina Councilor Marilou Nubla.
Mga Cabalen, natitiyak po ng inyong lingkod na may mga susunod pa habang lumalapit ang halalan.
Unti-unti nang naliliwanagan ang isip ng mga taga-Caloocan. Ang sagad sa butong korupsiyon sa lokal na pamahalaan.
Binabati ko kayo Coun Alu at Rose sa inyong desisyon!
Teka, mga Cabalen! Gaano kaya katoo na may bagong city hall daw ang Cancaloo? Hanggang doon na lang ba tayo? Ang mga dwendeng naglipana sa City hall naku po, kinopong lahat ng negosyo walang nakawala.
Ang pagkolekta ng basura sa Caloocan City naresolabahan ba? Hindi ‘di ba? Kasi po ayon sa source, ang bidding daw na ginagawa sa Cancaloo ay biding-bidingan lamang? Naku ha!
Ang contractor, ayon sa source, ang laging nananalo pero hindi ito ang tunay na nagmamay-ari ng mga truck ng basura? Sino? Alam na ninyo… sino pa nga ba!
Binabayaran ng “Royalty” ang kumpanyang sumali at nanalo sa bidding pagkatapos ang mga truck na pagaganahin ay pag-aari ng royal family ng Caloocan?
Kaya naman pala iilan lamang ang makikita natin. Alam n’yo bang ang mga naghahakot ng basura sa Caloocan City, paparating pa lamang hinahabol na natin papalayo. Nawiwindang ang mga residente dahil kailangang habulin. Sapagkat kung hindi mo mahabol, maghintay ka ulit kung kelan sila darating. Manigas ang mga botante!
Bakit kaya ang liliit nila, pero ang lalaki kung kumita? Kaya dapat lamang na mapalitan ng higanteng paglilingkod. Panahon na, ‘di po ba?
ooo
Ito pa isang nagmamalabis. Itong si Kap sa Dist 2 ng Caloocan City, na malapit sa kusina na nagtitinda ng karne sa kanto ng William Shaw at B. Serrano. Ok lang po sana, mga Cabalen, sapagkat ito ay marangal na hanapbuhay.
Ang siste, ang ginagamit na panghakot ng karne tuwing umaga ay ang “multicab service vehicle” ng kanyang barangay? Oh no! palpak ka naman, Kap!
Ang masaklap pa rito, mga Cabalen, ang basketball court sa William Shaw at B. Serrano kung saan itinitinda ni Kap ang ka yang karne ay ginawa na ring paid parking lot na di-umano ay may basbas ni DPSTM Larry Castro?
‘Yan naman po ay reklamo ng mga residente doon na naapektuhan ng basketball court na ginawang tindahan ng karne at paid parking.
Ang service vehicle po ay gagamitin lamang dapat pang serbisyo ng inyong mga ka-barangay. Lalo na sa oras ng emergency. ‘Di ba, mga Cabalen?
Papaano ang gasolina niyan, Kap? Sinisingil din ninyo sa kaban ng Caloocan? Paano ang maintenance niyan at kapag nasira? Sigurado sisingilin ninyo si Mayor Oca. Hay naku! huwag kayo umasa na masasalo kayo ni Mayor, pagmamalabis iyan sa katungkulan. ‘Di po ba, Mayor Oca?
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE