NASAWI ang isang 17-anyos na babaeng estudyante matapos ilang ulit umanong hatawin ng martilyo sa ulo ng hindi pa kilalang suspek loob ng kanilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.
Hindi umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tinamong mga pinsala sa ulo ang Grade 12 na biktimang itinago sa alyas “Daisy”, residente ng 96 Block 39, Lot 2 Phase 3 F1 Sabalo St. Dagat-Dagatan, Brgy. 12.
Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling araw habang nag-iisa ang biktima sa kanilang tirahan.
Nakarinig umano ng kakaibang ingay ang labanderang si Angie Salinas, 56, umula sa loob bahay ng biktima kaya lumabas siya upang magsiyasat at dito niya nasilip sa nakabukas na sliding door ng kapitbahay ang nakahandusay na katawan ng dalagita habang umaagos ang dugo sa ulo.
Sinabi ni Salinas sa pulisya na kaagad niyang ipinaalam sa magkapatid na Joel at Jerby Barcial, pinsan ng biktima, ang natuklasan at sila na ang nagsugod sa dalagita sa Caloocan City Medical Center bago inilipat sa JRMMC.
Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang alamin kung ano ang motibo sa pamamaslang habang kinukumpleto pa ng NPD Forensic Unit Team ang pagpo-proseso sa crime scene kung saan natagpuan ang umano’y ginamit na martilyo ng suspek.
Sa ipinadala namang mensahe ni Col. Lacuesa, sinabi niya na ongoing pa ang isinasagawa nilang pagsisiyasat sa krimen bagama’t mayroon na aniya silang person of interest. (JUVY LUCERO)
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA