REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lalaki matapos ireklamo ng panghahalay sa kanyang stepdaughter sa Navotas City.
Ayon kay Navotas police chief P/Col. Rolando Balasbas, sinadyang hindi binanggit ang pagkakilanlan ng 48-anyos na suspek para sa maproteksyunan ang pagkakilanlan ng 16-anyos na biktima, Grade 7 student na inabuso ng suspek habang nasa trabaho ang kanyang ina.
Ani Col. Balasabas, alas-8:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng suspek sa Brgy. Sipac Almacen matapos umalis papuntang tarbaho ang ina ng biktima.
Sa pahayag sa pulisya ng biktima, inutusan siya ng suspek na humiga sa kanyang silid saka inumpisahan siyang hubaran at hinawakan sa pribadong parte ng katawan niya.
Sa kabila ng pagtutol ng biktima, nangibabaw pa rin ang lakas ng suspek at nagawa nitong mahalay ang dalagita.
Matapos ang insidente, nagchat ang biktima sa kanyang ate na isang teacher at nakatira sa kanyang mister sa Herbosa St. Tondo, Manila at sinabi ang ginawa sa kanya ng suspek.
Humingi ng tulong ang ate ng biktima sa P/Cpl. Edison Mata ng Navotas Police North Bay Boulevard Sub-Station na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 8353 o Anti-Rape Law in relation to R.A. 7610 o Special Protection Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA