
DAPITAN CITY, Zamboanga del Norte — Nilinaw ng pamunuan ng Dakak Beach Resort na ang resort ay buo pa ring operational, hindi for sale, at kasalukuyang pinalalawak pa ang mga pasilidad nito habang bukas sa bagong business partnerships, sa gitna ng kumakalat na maling impormasyon ukol sa operasyon at pagmamay-ari nito.
Sa kabila ng kalituhan na dulot ng isang kamakailang desisyon ng Korte Suprema, iginiit ng resort na ang legal dispute ay tumutukoy lamang sa 1,602-square meter na lupa sa Barangay Taguilon — mas mababa sa 1% ng kabuuang 156-hectare property ng resort, at hindi saklaw ang mga lugar na ginagamit ng mga bisita.
“Ang operasyon ng Dakak ay hindi naaapektuhan ng isyung legal na ito. Nagsampa na kami ng motion for reconsideration,” ayon kay Dakak President Svetlana J. de Leon sa isang pahayag.
Patuloy na itinuturing ang Dakak bilang isa sa mga pangunahing destinasyon sa Mindanao, tampok ang puting buhangin, berdeng kalikasan, at mga silid na may disenyong Pilipino gamit ang kawayan at capiz.
Sa kabila ng pandemya, muling bumangon ang Dakak at ngayon ay nakatuon sa inobasyon, sustainable tourism, at strategic partnerships. Kabilang sa mga tinitingnang oportunidad ng resort ay ang mga business collaborations sa mga lugar tulad ng Tagoloan at Siquijor.
Pinalawak na rin ng resort ang kanilang mga pasilidad:
- 9 na kainan, kabilang ang 24/7 café
- Maramihang swimming pools, kasama ang may waterfall para sa mga bata
- Water sports facilities
- Dakak Adventure Zone, na tahanan ng pinakamahabang dual zipline sa bansa
- World-class golf course na may tanawin ng dagat at championship-level design
- Helicopter tour gamit ang Robinson R-44 para sa aerial view ng Dapitan at karatig-isla
Matatagpuan ang Dakak sa loob lamang ng 30 minutong biyahe mula sa Dipolog Airport, kaya’t madali rin itong access point para sa mga gustong tuklasin ang kasaysayan at kalikasan ng Dapitan. Tampok dito ang Rizal Shrine, Relief Map of Mindanao, mga heritage house, at mga talon, kuweba, at bundok para sa nature trekking at hiking.
Binigyang-diin ng pamunuan ng Dakak na sa kabila ng mga maling tsismis, nananatili silang matatag, bukas, at lumalago.
“Ang Dakak ay hindi ipinagbibili, kundi pinalalawak. Bukas kami sa mga bagong partner sa turismo, at patuloy naming isinusulong ang Filipino hospitality, world-class service, at pagpapakilala sa ganda ng Mindanao,” dagdag pa ni de Leon.
Sa halip na panghinaan ng loob sa gitna ng kontrobersya, mas pinili ng Dakak ang magpatuloy sa paglalakbay tungo sa mas mataas na antas ng turismo at serbisyo.
More Stories
DOH: Walang Lockdown Dahil sa Mpox, Mag-ingat sa Fake News!
Pagpapalawak ng P20 rice program, pinuri ng Navotas solon
ILIGAL NA ‘PAKYAWAN’ PAY SYSTEM? TULFO AT DOLE SUMALAKAY SA PAGAWAAN NG CHICHIRYA