Inanunsyo ng Pamahalaang Lokal ng Navotas na bumaba na ang Average Daily Attack Rate (ADAR) ng tinatamaan ng COVID-19 sa kanilang lungsod.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, magmula sa pang-apat na ADAR, pang 10 na lamang ang lungsod sa pinakamataas.
Bumaba sa 36.95% noong nakaraang Setyemre 2–8 ang ADAR sa lungsod kumpara sa 48.04% noong nakaraang Agosto 26–Setyembre 1.
Pagdating naman sa reproduction number o bilang ng nahahawa bawat index case, Navotas po muli ang may pinakamababa sa buong Metro Manila.
Nasa 1.04 na lamang po ito, at mula sa critical ay nasa moderate-risk level na lang ang transmisyon ng COVID-19 sa lungsod.
Ayon sa Octa Research, ang malapit na pag-abot ng lungsod sa reproduction number na mababa kaysa sa 1 ay nangangahulugan na bumabagal na ang hawaan ng virus.”
Ngunit, napakabilis mabago nito kaya kailangang patuloy na magtulungan ang lokal na pamahalaan at mga mamamayan para masigurong dire-diretso ang pagbagal at pagbaba ng mga kaso, at hindi masayang ang mga paghihirap at pagsasakripisyo ng lahat”, ani Mayor Tiangco.
|
Hanggang September 12, 2021, umabot na sa 16,153 ang tinamaan ng COVID-19 sa Navotas, 13,994 ang gumaling, 1,681 ang active cases at 478 ang namatay.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA