INANUNSYO ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na suspendido muna ang onsite o face-to-face classes sa lahat ng antas ng pampubliko at pribadong paaralan sa lungsod simula March 6 hanggang 12, 2023.
Ayon kay Mayor John Rey Tiangco, ito ay para hindi na maabala ang mga mag-aaral at masiguro ang kanilang kaligtasan habang may transport strike.
“Distance learning modality through online and modular schemes po muna ang gagamitin ng mga paaralan para hindi maantala ang pagbibigay natin ng dekalidad na edukasyon sa ating mga kabataan,” ani Mayor Tiangco.
“Asikaso ng All The Way ang sagot natin para hindi maantala ang trabaho, edukasyon at pang-araw-araw na buhay ng mga Navoteño”, dagdag niya.
Kaugnay nito, sinabi din ni Mayor Tiangco na para matiyak na hindi maaabala ang mga serbisyo ng pamahalaang lungsod, ang mga integral na empleyado ay bibigyan din ng mga serbisyo sa transportasyon para sa kanilang pagpasok sa trabaho at pag-uwi.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Bagong gym, binuksan sa Navotas
PAGPAPALIBAN SA BARMM ELECTIONS, PINAG-AARALAN NA – PBBM