
DAHIL sa problema sa pera at pamilya dala ng kawalan ng trabaho, isang lalaki ang nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng paglaslas sa kanyang leeg sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Inoobserbahan sa Jose Reyes Medical Center sanhi ng tinamong sugat sa leeg ang biktimang si Rommel Santiago, 38, ng 88 C. Perez St. Brgy. Tonsuya.
Sa imbestigasyon nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Jose Romeo Germinal, dakong alas-11 ng gabi, nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang simulan nitong laslasin ang kanyang leeg gamit ang kitchen knife.
Gayunman, nakita ng kanyang pinsan na si Edward Santiago, ang pangyayari kaya kaagad nitong pinigilan ang biktima bago mabilis na isinugod sa naturang pagamutan.
Base sa pahayag sa pulisya ng biktima, nagawa niya ang tangkang pagpakamatay dahil sa problema sa pera at pamilya. (JUVY LUCERO)
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa