NAKATANGGAP ng papuri mula kay Dr. Tony Leachon ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas dahil sa tuloy-tuloy na pagbaba ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod.
“Look at City of Navotas. Wow. Flattening of the curve. Congratulation to Toby Tiangco you’re a stickler for the COVID success playbook. Testing, contract tracings, isolation and quarantine facilities”, papuri na pahayag ni Dr. Leachon kay Mayor Tiangco sa post niya sa kanyang Twitter account.
Dahil dito, lubos namang nagpasalamat si Mayor Toby Tiangco at kanyang kapatid na si Navotas Cong. John Rey Tiangco kay Dr. Tony Leachon sa kanyang papuri sa lungsod.
“Maraming salamat Dr. Tony Leachon sa iyong papuri at good job Mayor Toby Tiangco at sa lahat ng ating mga frontliners gayundin sa mga nagpapatupad ng mga safety measures para sa kaligtasan ng bawat Navoteño”, pahayag ni Cong. JRT.
“Pakikiisa ang tatapos sa pandemya. Ipagpatuloy pa natin ang pagtupad sa mga paalala at pangangalaga sa isa’t isa”, dagdag ng mambabatas.
Sa ulat ng City Health Office kay Mayor Tiangco nung August 29, 14 ang bagong kumpirmadong kaso at 50 ang gumaling.
Sinabi ni Mayor Tiangco na lumabas sa pagsusuri ni Edson Guido, head ng ABS-CBN Data Analytics Team, 47% ang ibinaba sa bilang ng mga bagong kaso kung ikukumpara ang 1,492 na mga nagpositibo noong August 1-14 at 790 noong August 15-28.
Gayunpaman, hindi dapat aniya maging kampante. Bagkus, patuloy na magdoble ingat para mas bumaba pa ang bilang ng mga nahahawaan, manatili sa bahay hanggang maaari at sumunod sa ipinapatupad na mga safety protocols.
“Sa ating pagtutulungan, mapagtatagumpayan natin ang hamon ng COVID-19” pahayag ng alkalde.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA