
TALAGANG hindi pinayagan ng E.A.T TVJ na mai-promote ang movie nina Vilma Santos at Christopher de Leon. Ang dahilan nila dahil daw kay Doctolero, dahil katakot-takot na bira ang ginawa nito sa TVJ nang unalis ito sa GMA 7.
“Paano nilang papayagan mag-guest sina Boyet at Vi, gayung itong si Suzette Doctolero ay panay ang banat sa TVJ. Tapos heto sila at lalabas sa TVJ show, hindi nga naman magandang tignan ang ganong senaryo.
“Tama lang ang ginawa ng TVJ Show, na dedmahin na lang ang movie nina Boyet at Vilma. Pero kung hindi raw sila binira, welcome na welcome sila sa show.
“Hindi malaking kawalan sa show ng TVJ, kung tinanggihan nila ang pelikula nina Vilma at Boyet. Bilang ganti nila, hindi na lang nila ito tinanggap,” kwento pa ng aking source.
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa