Ipinagbawal ng Bureau of Immigration (BI) sa mga tauhan nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na magbakasyon hanggang sa katapusan ng buwan upang mapakinabangan ang mga tauhan nito na nakatalaga sa premiere port.
Naglabas si Atty. Carlos Capulong, BI port operations division (POD) chief, direktiba na pinalawig hanggang hanggang Enero 31 ang period kung saan ipinagbabawal ang mga immigration personnel sa NAIA na kumuha ng vacation leave.
Ang nasabing ban, na nagsimula noong Disyembre 16 bago ang 2021 Christmas holiday break, ay dapat mag-expire noong Enero 15.
Sinabi ni Capulong na pinalawig pa ng dalawang linggo ang pagbabawal sa paghahain ng vacation leave dahil tumaas ang bilang ng mga BI officers sa airport na dinapuan ng Covid-19 nitong mga nakaraang araw.
Binigyang-diin niya na ang direktiba na kinakailangan upang matiyak na walang hadlang ang operasyon ng BI sa paliparan sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga tauhan na nagpositibo sa virus o nasa quarantine.
“No application for leave during this period will be entertained or approved and all filed leaves are hereby cancelled to ensure that we have enough personnel to service the traveling public,” dagdag ni Capulong.
Iniulat ng BI noong Lunes na may kabuuang 138 BI-POD personnel ang nagpositibo sa virus. May karagdagang 129 na empleyado ang nananatili sa quarantine habang hinihintay ang resulta ng kanilang mga swab test. Sa kabilang banda, 99 pang tauhan ang nag-negatibo at nakabalik na sa trabaho.
Noong nakaraang linggo, naglabas ng advisory si BI Commissioner Jaime Morente na ibinababa ang mga operasyon ng opisina nito sa 30% na kapasidad sa lugar ng trabaho dahil sa pagtaas ng mga impeksyon sa Covid-19 sa mga tanggapan nito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY