Dahil sa tuluyang pagkakasara ng istasyon ng ABS-CBN, mawawalan ng exposure at trabaho ang mga nasa sports; lalo na ang mga nasa likod ng NCAA, UAAP, PVL at Maharlika Pilipinas Basketball League. Ika nga ng ilan, namemeligrong maburo ang liga.
Problema ng mga nasa likod nito, mababawasan ng malaking esposure ang mga nabanggit na liga dahil sa pagkawala sa ere ng ABS-CBN Sports and Action; kung saan ipinalalabas ang mga laro ng mga nabanggit na liga. Anila, apektado ang broadcast partnerships ng ng istasyon at mga naturang collegiate leagues.
Malaking epekto ito sa mga staff at crew ng liga dahil mawawalan sila ng trabaho. Kabilang na ang hosts, courtside reporter, commentator at iba pa. Hindi rin sapat na sa live streaming ipalalabas kung sakali ang laro dahil mas marami pa rin ang nanonood sa telebisyon.
“Ang magiging tendency niyan, either sa live streaming sila sa Facebook o sa Youtube sasandal, hindi sapat yun. Ang right move talaga e lumipat ng channel para doon sila ipalabas,” wika ni Jhun ng Baesa Q.C, na sumusubaybay sa UAAP at NCAA.
“Sa pagkakaalam ko, loyal ang PVL sa Kapamilya. Siguro gagawan nila ng paraan ‘yan,” sabi naman ni Millet, 22 ng Caloocan City na fan ng PVL.
More Stories
All-time best ng PH bets naitala sa day 3 ng ICF World Dragon Boat C’ship… GOLD RUSH NG TEAM PILIPINAS!
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Angas ng Pinas sa Asian Kickboxing… ATLETA NI SEN. ‘TOL’ TOLENTINO HUMAKOT NG GINTO!