Naghain ng reklamo sa Department of Justice (DOJ) ang National Bureau of Investigation at Environmental Crimes Division (NBI-ECD) kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng lumubog na MT Princess Empress.
Kabilang sa sinampahan ng reklamo ng NBI ang 35 indibidwal kaugnay ng nasabing insidente kung saan nagdulot ito ng malawakang oil spill sa Oriental Mindoro at mga karatig na lalawigan sa Region 4-A at Region 4-B.
Bukod sa mga may-ari ng MT Princess Empress, sinampahan din ng reklamo ang ilang tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) at MARINA o Maritime Industry Authority.
Ayon kay DOJ Spokesman Atty. Mico Clavano, may pananagutan ang PCG dahil sila ang nagsasagawa ng pre-departure inspections para sa domestic oil tankers bago ito maglayag.
Sinabi pa ng DOJ na nagkaroon din ng sabwatan ang ilang opisyal ng MARINA at ng Reield Marine Services na may-ari ng nasabing barko sa nangyaring pagpaparehistro sa MT Princess Empress.
Tinukoy ng DOJ ang mga pinekeng dokumento at certificates hinggil sa construction, tonnage measurement, ownership at certificate of Philippine registry.
Iginiit pa ni Clavano na lumalabas na 18 na lumayag ang MT Princess Empress at ang bawat paglalayag nito ay maituturing na isang count ng falsification ng dokumento.
Una nang ibinunyag ni Justice Sec. Crispin Remulla na scrap ang nasabing barko at wala itong kakayahan na mag-transport ng langis.
More Stories
TRILLANES TUTURUAN NG LEKSYON NI DIGONG
CALINISAN BAGONG NAPOLCOM COMMISIONER
CATANDUANES, CAMARINES SUR SIGNAL NO. 5 KAY PEPITO