NAGBIGAY ng donasyon si Pope Francis sa 36 pamilya ng nawawalang Filipino crew ng cargo ship na tumaob sa Japan halos dalawang buwan na ang nakaraan, kabilang sa kanila ang 39 Filipino crew, ayon sa report ng Vatican News.
“The Pope’s aid with a small personal gift will be delivered personally to the families of the missing and the two survivors to “show his closeness and solidarity,” ayon sa Vatican Dicastery for Promoting Integral Human Development. “This contribution is accompanied, from the very first days of the disaster, by spiritual, psychological and personalized support, offered to the Philippine families, by a team of professionals, chaplains and nuns of the Stella Maris Centers of the nation,” dagdag pa nito.
Samantala, kinakailangan ng mga pamilya ng 36 seaman na nawawala dahil itinigil ng kanilang employer ang salaries para sa kanila matapos mawala sa karagatan halos dalawang buwan na ang nakalilipas.
Kaya tiyak malamig at gutom ang Christmas season ng pamilya ng nasabing nawawalang seaman.
Bukod pa riyan ay wala na ring substantial assistance na ibinigay ang pamahalaan at pribadong sektor.
Ito ang iniulat ni Mrs. Mary Joy Fortun, asawa ni Eonald na isa sa nawawalang 36 seaman na sakay ng lumubog na Gulf Livestock 1 sa baybayin ng Japan noong Setyembre 3, 2020.
Nagsagawa ang Japan Coast Guard ng tatlong linggo ng search at rescue operations para sa nawawalang Filipino crew at 4 na dayuhan na sakay ng nasabing barko.
Ayon sa recruitment consultant at migration expert, maliit lamang ang natanggap ng pamilya mula sa DOLE at sa ahensiya mula noong Setyembre matapos lumubog ang vessel.
Ang Korphil Manning International ay ang local manning agency para sa mga Filipino seafarers pero sa ngayon maliit lamang ang nahawakan na pinansiyal na tulong sa pamilya ng nawawalang crew.
Nangako ang OWWA na tutulungan ang nasabing mga pamilya subalit hindi pa nailalabas ang dead at burial benefits dahil sa legal issues sa presumption of death pagkatapos ng apat na taon.
Maging ang mandatory insurance benefits na bayaran ng manning agency na nagkakahalaga ng 50,000 US dollars at $7,000 dolloras sa bawat anak na may edad 18 pababa sa bawat pamilya ng nawawalang seafarers ay makukuha ay tatagal pa ng ilang taon.
Ang death compensation benefits para sa pamilya ng nawawalang 36 Filipino seaman ay matatanggap ng ilan pang taon dahil sa maritime insurance law na magkakabisa lamang apat na taon mula sa presumption ng death at doon lamang ito makukuha ng miyembro ng pamilya.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY