December 25, 2024

Dahil sa hiwalayan.. SARAH LAHBATI AT RICHARD GUTIERREZ, CO-PARENTING LANG SILA SA KANILANG MGA ANAK

KAHIT hiwalay na sina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, may co-parenting naman silang dalawa sa kanilang mga anak.

Pero hindi pa sila naguusap, dahil mga busy na rin naman sila sa kanilang mga buhay.

“Totoong apektado ang mga bata sa hiwalayan nila, pero hindi naman naging madamot si Sarah Lahbati, kapag dinadalaw ni Richard Gutierrez ang mga bata sa poder niya. “Karapatan niya iyon, at never na naging hadlang si Sarah doon. Tanggap na rin naman ng mga bata ang sitwasyon, pero kung pipilitin ng actor na makuha niya sa pangangalaga ni Sarah ang mga bata. Ilalaban niya ito,” malungkot na pahayag ng aking source.