Bagsak sa kulungan ang isang lalaki matapos mabisto ang dalang shabu makaraang masita ng mga pulis dahil walang suot na face mask sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Caloocan Police Sub-Station 6 P/Capt. Brian Ramirez ang naarestong suspek na si Arjay Martinez, 35 ng 700 Riverside Libis, Brgy. 160.
Sa report ni Capt. Ramirez kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., dakong 10:40 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang kanyang mga tauhan sa Riverside Libis, Brgy. 160 nang makita nila si Martinez na walang suot na face mask.
Nang sitahin ng mga pulis at isyuhan ng OVR ay bigla na lamang kumaripas ng takbo ang suspek dahilan upang mauwi sa habulan hanggang sa makorner siya ng mga parak.
Nang kapkapan, narekober sa suspek ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P9,520 ang halaga. Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA