January 24, 2025

DAGDAG  ‘WERPA’ SA OGCC, BINASURA NI MARCOS

IBINASURA ni Pangulong Bongbong Marcos ang Senate Bill 2490/House Bill 9088 o Act Strengthening the Office of the Government Corporate Counsel (OGCC).

Sinabi ni Press Secretary Trixie Angeles na kabilang sa mga dahilan ng pag-veto ni Marcos ay ang kuwestyunableng probisyon na magbibigay ng malalaking benepisyo sa mga abogado ng OGCC.

Ayon pa kay Angeles, bibigyan din ng direktang kontrol ang OGCC sa mga legal departament ng mga government corporation at posibleng paglabag sa One Trust Fund policy ng pamahalaan.

“The President cites, among others, the excessive remuneration to be given the OGCC lawyers, the grant of supervision and control over legal departments of government corporations, the distortion of the relationship with the Secretary of Justice, and the possible violation of the One Trust Fund policy of government,” dagdag ni Angeles.