December 24, 2024

DAGDAG-SAHOD SA ILOCOS REGION EPEKTIBO SA NOBYEMBRE 7

EPEKTIBO na simula sa Nobyembre 7 ang P33 umento sa sahod para sa mga sumasahod ng minimum wage sa lahat ng sektor sa Ilocos Region, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE).

Sa inilabas na Wage Order No. RB 1-23 ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) nitong Oktubre 9, magiging P468 na ang arawang sahod ng mga manggagawa mula sa non-agricultural establishments na may 10 o higit pang empleyado.

Habang magiging P468 ang sahod kada araw ng mga tauhan mula sa mga sektor ng agrikultura, gayundin ang non-agriculture establishments na may hindi bababa sa sampung empleyado.

Nag-isyu rin ang RTWPB ng Wage Order No. RB 1-DW-05, para sa dagdag P500 sa buwanang sahod ng domestic workers o kasambahay. Mula sa P5,500, magiging P6,000 ang matatanggap na buwanang sahod sa Ilocos.