
Magkakaroon na naman ng pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay dahil sa paggalaw ng presyo sa international market.
Batay sa pagtaya, aabot sa P0.35 hanggang P0.45 ang dagdag na presyo sa bawat litro ng diesel.
Sa kerosene o gaas, inaasahang tataas ng P0.50 hanggang P0.60 ang kada litro.
Sa presyo naman ng gasoline, P0.20 hanggang P0.30 ang itataas sa bawat litro.
Sa araw ng Lunes, inaasahang mag-aanunsiyo ang iba’t ibang oil companies ng kanilang oil price adjustment.
More Stories
HONASAN, BINAY AT DEL ROSARIO NAGSAGAWA NG MOTORCADE SA MAKATI (Muling pinagtibay ang pagkakaisa at suporta)
DOST REGION 1 HANDA NA PARA SA 2025 NSTW
TANIM-BALA BALIK SA NAIA? (Imbestigasyon sinimulan na – NNIC)