TINIYAK ni Senador Raffy Tulfo kay Public Attorney’s Office (PAO) chief Persida Acosta ang pagtaas ng budget para sa mga pampublikong abogado.
“Gagawin natin ang ating makakaya para madagdagan ang budget ng PAO. Kahit ano man ang matutulong ng tanggapan ko, gagawin natin,” ani Tulfo.
“Napapansin ko ngayon sa PAO ay walang tumatagal. Kukuha lang ng experience, tapos lumilipat na. Kasi overwhelmed sa trabaho. Dapat for every court, mayroong enough PAO,” dagdag pa ng senador.
Suportado naman ni Acosta ang naging pahayag ni Tulfo at sinang-ayunan ang obserbasyon ng senador na pawang mga “overworked” ang mga PAO lawyers.
“Overworked sila. After five years, nagfi-fiscal na sila or nagja-judge. Lumilipat kasi napapagod,” sinabi ni Acosta.
Sa kabila ng kakulangan ng mga abogado, umaasa si Tulfo na mabibigyan ng serbisyo ang mga mahihirap na mangangailangan ng tulong.
“Although alam kong kulang, pero as much as possible, sana ay mayroong enough assistance ang indigent parties pagdating sa inquest level. Kasi kung minsan yung fiscal, nagde-decide din basta-basta na kulang sa ebidensya,” ani Tulfo.
Matatandaan na nagkaroon ng bangayan sa pagitan nina Tulfo at Acosta bago ang eleksyon matapos akusahan ng senador ang PAO na kulang ang ibinibigay na serbisyo sa mga mahihirap na may kaso.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON