INANUNSIYO ni National Irrigation Administrator (NIA) Eduardo Eddie Guillen sa 22nd Kapihan sa Bagong Pilipinas (KBP) media forum sa NIA head office sa Quezon City na tumaas ang budget ng ahensiya sa P43 bilyon mula sa 41 bilyon para sa susunod na taon.
Aniya, ang malaking bahagi ng pondo na ito ay ilalaan para sa pagbili ng mga makinarya para sa modernisasyon ng agrikultura.
Layon ng ahensiya na pagandahin ang irrigation system sa bansa para sa maganda at murang bigas na mabibili ng mga Filipino.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA