February 21, 2025

DAGDAG-PASAHE SA LRT 1 APRUB; EPEKTIBO SA ABRIL 2

INAPRUBAHAN ng Department of Transportation (DOTr) ang fare hike sa Light Rail Transit Line 1 (LRT-1).

Sa abiso nitong Martes, inanunsiyo ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) na ipatutupad ang revised fare matrix sa Abril 2, 2025.

Sa ilalim ng inaprubahang fare adjusments, ang maximum fare para sa single journey ticket ay tataas mula P45 hanggang P55, habang ang minimum fare ay tataas sa P15 hanggang P20.

Bilang karagdagan, ang maximum fare para sa stored value card ay tataas mula P43 hanggang P52, habang P15 hanggang P16 ang minimum fare.

Layunin ng hakbang na ito na matugunan ang mga gastos sa operasyon at suportahan ang mga nakatakdang maintenance activity sa sistema ng riles.

‘The fare adjustment is necessary to maintain and improve LRT-1 services, including station upgrades, new train acquisitions, and better safety measures for passengers, ayon sa pahayag ng LRMC.

Samantala hinihikayat naman ang mga pasahero na suriin ang bagong update na fare matrix bago magbiyahe at alamin ang mga diskwento para sa mga estudyante, senior citizens, at persons with disabilities (PWDs).