
Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kabuuang P3.693 bilyong dagdag na budget para sa cash assistance program na ilalaan sa Metro Manila, Bataan, at Laguna, ayon sa Department of the Interior and Local Government.
Sinabi ni DILG spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya sa GMA News Online na ilalaan ang P2.715 bilyon sa Laguna; P700 milyon sa Bataan; at P278 milyon sa Metro Manila.
“The President has approved ECQ Ayuda as follows: P700M—Bataan, P2.715B—Laguna.”
“Yes, the President also approved an additional P278M for [Metro] Manila as requested by the DILG and NCR LGUs,” dagdag pa nito.
Maaalalang nasa ilalim ng enhanced community quarantine ang Metro Manila, Laguna, at Bataan kung saan nakatakda silang makatanggap ng P1,000 hanggang P4,000 bawat bahay.
More Stories
PROKLAMASYON SA 12 SENADOR, POSIBLE NA SA WEEKEND – COMELEC
DOST Region 1, BPI Foundation matagumpay na naiturn-over ang STARBOOKS sa limang pampublikong paaralan sa rehiyon
LACUNA, NAGPASALAMAT SA MGA MANILEÑO SA PAGKAKATAONG MAGING UNANG BABAE NA ALKALDE NG MAYNILA