MAYROON na ngayon 72 pumping stations ang Navotas, kasunod ng pagpapasinaya sa tatlo pa sa Judge Roldan St., Brgy., San Roque, Daanghari St., Brgy., Daanghari at Maliputo St., Brgy., NBBS Dagat-Dagatan.
Pinangunahan nina Mayor John Rey Tiangco at Cong. Toby Tiangco ang blessing at inauguration ceremony sa tatlong pumping stations.
“Noon, kapag nababanggit ang Navotas, bukod sa isda ay baha ang naiisip ng mga tao. Malaking perwisyo ang dulot nito dahil apektado di lang ang pang-araw-araw nating pamumuhay kundi pati ang ating kabuhayan at kalusugan. Kaya naman sinimulan ni Cong. Toby at tinuloy-tuloy natin ang pagtatayo ng mga pumping station para maiwasan ang pagbaha,” ani Mayor Tiangco.
“Pakiusap lang po na alagaan nating mabuti ang ating mga pumping station. Isipin natin na pag-aari natin ito. Kung ganyan tayo mag-isip, siguradong sisikapin nating parati itong maayos at gumagana,” dagdag niya.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Cong. Tiangco ang mga Navoteños na maging responsable sa pagtatapon ng basura.
“Malaki po ang ambag ninyo para maiwasan natin ang pagbaha sa ating lungsod. Maayos na makakahigop ng tubig ang bombastik kung walang basurang nakabara dito. Kaya maging responsable po tayo sa pagtatapon ng basura,” sabi ni Cong. Tiangco.
Dumalo rin sa inagurasyon sina Vise Mayor Tito Sanchez, mga konsehal ng lungsod, barangay chairpersons, mga department of head at mga tauhan mula sa Department of Public Works and Highways.
More Stories
Panghaharas ng China Coast Guard sa West Philippine Sea asahan na… MAINIT ANG ULO SA ATIN NG TSINA – ANALYST
AMA NA GINAWANG PARAUSAN ANG STEPDAUGHTER, ARESTADO MATAPOS MANG-HOSTAGE NG ANAK
BuCor nagsagawa ng seminar workshop kaugnay sa GCTA