November 18, 2024

DAGDAG NA 28 BAGONG SCHOLARS, TINANGGAP NG NAVOTAS

MAY 28 na bagong academic scholars ang malugod na tinanggap ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas para sa school year 2023-2024, kasunod ng paglagda ni Mayor John Rey Tiangco sa memorandum of agreement na nagbibigay ng NavotaAs Academic Scholarship.

Sa bilang na ito, 15 ang incoming high school freshmen, 11 ang incoming freshmen sa kolehiyo, at dalawang guro na naghahanap ng mas mataas na edukasyon.

“Deserving Navoteño learners should get access to quality education without worrying about their finances. The support they receive through this scholarship enables them to dream big and work towards achieving their aspirations in life,” ani Tiangco.

Makakatanggap ang mga high school scholar ng P18,000 kada academic year para sa book, transportation, at food allowance.

Ang mga iskolar ng Navotas Polytechnic College ay makakakuha naman ng P22,000 kada academic year para sa tuition, book, transportation, at food allowance habang ang mga scholars ng ibang kolehiyo o unibersidad ay tatanggap ng P262,000 para sa parehong.

Makakakuha naman ang mga teacher-scholar ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang matrikula; libro, transportasyon, food allowance; at research grant.

Samantala, pinarangalan ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa pangunguna ni Mayor John Rey Tiangco ang Navoteño student-athletes na nagwagi ng medalya sa ginanap kamakailan na Palarong Pambansa 2023.

Ang mga medalist ay makatatanggap ng cash incentives ayon sa Navoteño Athletes and Coaches Cash Incentives Ordinance habang ang mga indibidwal na gold medalists ay makakukuha ng P4,500, silver, P4,000 at bronze, P3,500 kada sports event. Ang mga atleta naman na nanalo bilang isang koponan ay tatanggap ng P4,000, P3,500, at P3,000 bawat isa para sa paghakot ng ginto, silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.