November 21, 2024

DAGDAG-BUDGET PARA SA SIERRA MADRE, ISUSULONG NI VILLANUEVA

Nangako si Senate Majority Leader Joel Villanueva na tutulungan ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) para makakuha ng karagdagang budget para sa pangangalaga ng Sierra Madre.

Katulad nitong nakaraan, pinaniniwalang iniligtas ng 540 kilometrong bulubundukin na sumasaklaw sa mga lalawigan ng Cagayan at Quezon ang ilang bahagi ng Luzon mula sa hagupit ng Super Typhoon Karding noong Setyembre 25.

Nagulat si Villanueva nang marinig na ang budger ng DENR para sa Sierra Madre preservation ay nagkakahalaga lamang ng P9.9 million.

“Let me put into record na nanlata ako. PHP9.9 million?” saad niya matapos niyang mapakinggan ang binabasa ni DENR Undersecretary Analiza Rebuelta-The ang inilaang pondo para sa Northern Sierra Madre National Park sa budget hearing.

“The budget allocation is intended for the marcation, updating of management plan, monitoring of flora and fauna, and hiring of protected area superintendent and park rangers.

Binanggit ni Villanueva ang kahalagahaan ng pangangalaga sa Sierra Madre mountain na nagpapabagal sa pagbaha at pumpigil sa mga kalamidad tulad ng bagyo.

Sinabi rin ng mambabatas, na pinoprotektahan ng nasabing bundok ang Metro Manila at mga lalawigan ng Cagayan, Bulacan, Isabela, Nueva Vizcaya, Nueva Ecija, Quirino, Aurora, Quezon, Rizal, at Laguna.

“The rugged mountain slopes can mitigate strong winds. The forest also absorbed the heavy rains,” saad ni Villanueva.

Tiniyak ni Villanueva sa DENR officials na handang tumulong ang Senado at hahanap ng paraan kung magkano ang kailangan ng ahensiya.