MAYNILA – Lusot na sa huling pagbasa sa Senado ang panukala para sa karagdagang benepisyo para sa solo parents.
Lahat ng 22 senador na nasa sesyon ang bumoto para sa pagpasa Senate Bill No. 1411, na layon amyendahan ang Republic Act 8972 o ang Solo Parents Welfare Act of 2000 para sa karagdagang mga benepisyo.
“The Senate has come together to lift up an invisible and marginalized segment of our population, the solo parents,” sabi ni Sen. Risa Hontiveros, ang pangunahing sponsor ng panukala at namumuno sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality.
Nakasaad sa panukala ang pagbibigay ng comprehensive package para sa social protection ng solo parents, kabilang ang livelihood, legal advice and assistance counselling services, parent effectiveness services at stress debriefing.
Tatanggap din ang mahihirap na solo parents ng P1,000 mula sa kanilang lokal na pamahalaan.
Mabibigyan din sila ng scholarship grants, gayundin ang kanilang mga anak sa basic, higher at technical – vocational education and training gayundin ang awtomatikong pagiging miyembro ng PhilHealth.
Magiging prayoridad din sila sa mga programang pabahay ng gobyerno.
“Habang may pandemya, mas lalong mahalagang mapabilis pa ang pagsabatas nito. Naging mahirap ang pagtulak sa Expanded Solo Parents Welfare Act, pero saksi ako sa tiyaga ng mga solo parents sa pagkampanya para sa pagpasa nito, kaya’t lubos ang aking pasasalamat dahil hindi kami bumitaw sa laban,” dagdag pa ni Hontiveros, na labis-labis ang pasasalamat sa mga kapwa senador.
More Stories
Bolts tinambakan ang NorthPort
DMW NAG-SORRY SA PAGPAPADALA NG MALING BANGKAY SA PAMILYA NG YUMAONG OFW
SPEED LIMIT SA NAIAX, BAHAGI NG SKYWAY STAGE 3, ITATAAS SA 80KPH