DUMATING ngayong Miyerkoles ng umaga sa Pilipinas ang dagdag na 400,000 doses ng COVID-19 vaccines ng Sinovac, na bahagi ng donasyon ng gobyerno ng China.
Ganap na alas-7:00 ng umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 2 ang eroplano ng Philippine Airlines lulan ang donasyong dagdag sa 600,000 Sinovac vaccines na unang dumating sa Pilipinas noong Pebrero 28.
Na-disinfect muna ang bakuna bago ibinaba ng eroplano.
Sinalubong ni Senator Bong Go kasama sina National Task Force Against COVID-19 Deputy Chief Implementer Vince Dizon, Health Secretary Francisco Duque III, at iba pang mga opisyal ng DOH ang pagdating ng nasabing bakuna.
Sinaksihan din ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian ang pagdating ng mga bakuna.
Nagpapasalamat naman si Go sa dagdag na bakunang donasyon na bahagi ng 1 milyong doses na ipinangako ng China.
Aniya napapanahon ang dating nito dahil sa patuloy na paglobo ng mga kaso ng COVID-19 bansa.
Pag-uusapan sa Huwebes ng Interim National Immunization Technical Advisory Group kung saan ipapadala ang 400,000 doses ng bakuna.
Gusto ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na ilaan ito sa mga lugar na may mataas na COVID-19 cases gaya ng Metro Manila, Cebu at Davao. Bukod sa mga bakuna ng Sinovac, nakatanggap din ang Pilipinas ng 525,600 doses ng bakuna ng AstraZeneca mula sa vaccine-sharing initiative na COVAX Facility.
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan