December 26, 2024

DAAN-DAANG NEW YEAR FLIGHTS SA NAIA KANSELADO

NANAWAGAN si Senator Grace Poe sa Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng contingency plans at tulong sa mga na-stranded na pasahero na apektado sa nangyaring air navigation glitches sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Poe dahil sa nangyaring kanselasyon ng daan-daang inbound at outbound flights sa NAIA ngayong araw, lumalabas na kailangan ng multiple contingency plans at agad na rollout na assistance sa lahat ng na-stranded na pasahero.

“Hindi pwedeng nagkukumahog tayo kapag galit na galit na ang mga pasahero. What a way to start the year,” saad ni Poe.

“Wala pang isang buwan nang magsalita ako tungkol sa lagay ng air transportation sa bansa, but we’re now adding another problem to the list instead of striking them off,” punto pa niya.

Inihayag ni Poe na ang transportation sector sa bansa ay nahaharap pa rin sa problema.

 “We were optimistic that the new year would spur change for the better, but it seems that our air transport’s new year’s resolution has been broken on the first day of the year,” saad niya.

Bagama’t nagpapasalamat siya sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na nagbigay ng informal assurances na ang operasyon ay naibalik din ngayon, pero kailangan pa rin ng mga pasahero ng definite plan kung kailangan matutuloy ang kanilang flight at kung ano ang kanilang susunod na hakbang habang hinihintay nila na maresolba ang technical issues.

Kailangan din aniya, na itaguyod ang karapatan ng mga pasahero sa ilalim ng  Air Passenger Boll of Rights.

 “Dapat makatanggap sila ng anunsiyo mula sa mga airline na kanselado ang byahe nila, at kung umabot ng dalawang oras ang delay ay makatanggap sila ng pagkain at inumin habang naghihintay ng bagong schedule,” ayon kay Poe. “Dagdag pa dito, kung abutin ng tatlong oras ang delay ay maaari na silang ma-rebook o refund, o di kaya ay magpa-book sa ibang airline,” saad pa ng mambabatas.

Nanawagan din si Poe sa transport at airport officials, at sa lahat ng airlines na palawigin ang full assistance sa mga pasahero upang matiyak ang kanilang kapakanan at kung maari ay hindi maging traumatic ang kanilang experience ngayong holiday.