November 23, 2024

‘DA WHO’ ANG MAY SALA SA LAHAT?!

NI: DANNY SIMON

Pasakalye sa isang makabuluhang retorika:

“Nakamaskara ang mga tao, hindi puwedeng magdikit at kailangang isang metro ang layo bawat isa at baril sa noo ng temperatura—-alkohol sa kamay, hindi na maaaring magsaya, walang layang kumilos sa paligid at hindi basta makararating sa ibang lugar na pupuntahan para sa mga kamag-anak, kaibigan o para sa kabuhayan.”

“Walang halos masakyan ang ordinaryong taumbayan, lahat ay may suspetsa sa nakakasalamuha na baka mahawa o makahawa. Naitimo sa isip ang takot at ituring na mikrobyo ang tao; walang paligsahan, saradong industriya ng saya at nakatenggang turismo.”

“Naiibang sistema ng edukasyon, kung saan ay balewala na ang gusali at silid- paaralan at iba pang kapraningan ang naging tunay na ‘new normal’ sa mundong ating ginagalawan.Bakit nagkaganito ang mundong nilikha ng Panginoon na lunduyan ng tao? Sumobra ba ang talino ng tao na dapat ng kalusin o ito ay kagagawan ni ‘Taning — ang paghasik ng lagim sa utak ng bawat nilikha?”—-

Mula nang ideklara ng World Health Organization (WHO) na isang pandemya na ang novel corona virus na naging covid- 19; kumalat sa mundo ang kapraningan. Pati ang mga alam nating matatalinong tao ay natameme sa panakot na deadly na salot, na kikitil daw ng mga buhay habang walang panapat na lunas dito.

Hintakot ang mga tao sa contagion na sa pelikula lang natutunghayan. Pero ngayon, reyalidad na sa mundo na mistulang lahat ng namamatay ay inuugnay na sa Covid. Kaya, pati ang nararapat na bigyang dignidad ang lahat nang pumapanaw, wala na— dahil sinusunog agad ng mga praning na mga otoridad sa kasalukuyang sitwasyon.

Naitanim ng WHO ang kamandag ng Covid na nagresulta ng halos pagtigil ng mundo sa aspeto ng kabuhayang lulumpo sa tao— kapag nagpatuloy itong magpatanikala at maging biktima ng salot.

Sa bilyong populasyon ng tao, kapag ibinase sa istadistika ang pinsala ng pandemyang dineklara ng WHO, gabuhok lang ito at mas mataas pa ang stats ng mga nasasawi sa ibang sakit kung tutuusin.

Kung deadly ang salot , bakit ang dami ng recovery?

Sino sa mga tanyag na tao ang nagpositibo sa virus na nasawi? Wala! Bakit ang mga batang kalye, taong grasa at lagalag ay hindi nako-covid? Kapag matanda at dati nang may sakit ay agad na-Covid sa talaan.

Sa loob ng tatlong buwan na nanlumo ang ating bayan sa banta ng hindi daw nakikitang kalaban, ito ang mas nakakatakot na senaryo kapag di napigili ang kapraningan.

Maghihirap ang mamamayan dahil magsasara ang mga pabrika, tutukod ang ekonomiya, magugutom ang tao— kaya magkakaroon ng pandemonyo sa kalsada at mga istablisimyento, magkakaroon ng looting, nakawan kahit saan, kitilan ng buhay na magreresulta ng ‘survival of the fittest’ o matira ang matibay— at iyan ay napipinto sa kasalukuyang henerasyon— kundi matatauhan ang mga namumuno ng pamayanan na pigilan ang kapraningan.

Iyan ang tunay na pandemya na kagagawan ng demonyong nagkakamal ng yaman sa pakay na lipulin ang mga nilikha ng Panginoon; na hindi naman magtatagumpay sa kalaunan dahil sa kapangyarihan ng mabuti laban sa masama.

Dapat lang na di na paalipin ang tao sa panakot ng mga kampon ni ‘Taning— na gumagalaw sa mga higanteng organisasyon ( kabilang na ang DA WHO) na lilipol sa tao—hindi sa giyera nukleyar. Kundi, sa deadly na sandatang KAPRANINGAN!

Ang tanging panlaban sa salot ay ang patuloy na pananalig sa MAYKAPAL! Balik na tayo sa dating normal. ABANGAN!