Marami ang nakapansin at umalma sa isinagawang self swab test ng aktor na si Robin Padilla. Makikita sa isang viral video na tinutusok ni Binoe ang kanyang ilong.
Pero, hindi antigen o RT-PCR tests ang pinangkalikot ni Robin sa kanyang ilong. Kaya, delikado ito. Ginawa ito ni Robin dahil hindi dumating ang nurse na dapat magsagawa nito sa kanila.
Kailangan kasi sa trabaho sa showbiz ang magpasuri para ligtas ang sarili at ang mga taong nakakasalamuha.
Pero, sa nakita nating video, wala namang intensyon ang aktor na masama. Binidyuhan lang ang ginagawa. Pero, umani ng reaction.
Ayon sa Department of Health, para maiwasan ang pag-i-swab testing sa sarili, dapat ay magpa-home service na lang.
Ito’y kapag hindi agad dumating ang healthcare workers. O kaya, magtungo sa mga licence laboratory. Gayundin ng mga laboratories na nagho-homeservice.
Na ang mga ito ay lisensiyado ng DOH. Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie, hwuag sanang gawin ng iba ang self swab. Dahil magiging negatibo ang resulta nito.
Aakalain ng gumawa nun na gaun nga. Pero, hindi niya alam ang peligrong hatid.
Kaugnay sa ginawa ni Robin, hindi pa kinokontak ng DOH ito. Bakit pa? Pwede namang itama ang mali. Batid nating tanggap ng aktor ang kanyang ginawa.
Pero, huwag nang palakihin. Obyus. Ang dapat gawin ay pagmalasakitan ang ating mga kababayan.
Stop spreading bad vibes. Spread love. Di ba? Huwag lang virus. Adios Amorsekos.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino