Nangako ang Department of Agriculture na hindi lamang sapat na supply, kundi maging masusustansiya at abot-kayang pagkain ang ihahain nila para sa mga Filipino, matapos lumahok ang bansa sa World Food Day ngayong araw.
Sa inilabas na kalatas, sinabi ng DA na muli silang nangangako na magkakaroon ng access sa “ligtas at masusutansiyang pagkain” ang bawat Filipino.
“This year’s theme: “Leave NO ONE behind. Better production, better nutrition, a better environment, and a better life” promote worldwide awareness and action for those who suffer from hunger and for the need to ensure healthy diets for all, leaving no one behind. Through this campaign, we renew our commitment to take part in actions,” mababasa sa pahayag ng DA.
Una nang sinabi ng Office of the Press Secretary (OPS) na layunin ni Pangulong Ferdonand Marcos Jr na magbigay ng ligtas, masustansiya at affordable na pagkain para sa lahat ng Filipino.
“Sa sama-samang pagsuporta sa ating mga magsasaka at mangingisda, at sa pag-aalaga sa kalikasang pinanggagalingan ng ating pagkain, tiyak na mapagtatagumpayan natin ito!” saad ng OPS sa isang tweet.
More Stories
P102K shabu, nasamsam sa Caloocan drug bust
MGA PDL NA MAKAUSAP ANG KANILANG MGA MAHAL SA PAMAMAGITAN NG E-UNDAS
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE