December 24, 2024

DA NAGLAAN NG P262-M SA MGA SAGING (Upang solusyunan ang paghina ng banana export sa ‘Pinas)

NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P262.7 milyon na pondo para sa banana research, gawa ng matinding kompetisyon sa ibang bansa at fungal disease sa mga sangingan.

“I am afraid we are already losing our traditional market share. Given the current situation, our markets still have the disposable income to buy bananas, most especially at this time of a pandemic. There is simply no reason for them not to buy. And yet, the Philippines is losing in the export war. What happened?” tanong ni Agriculture Secretary William Dar.

Inilibas ni Dar ang naturang pahayag matapos iulat ng Pilipino Banana Growers and Exporters Association (PBGEA) na ang China, ang pinakamalaking merkado para sa saging ng Pilipinas, ay maaring sa Vietnam at Cambodia na lang bumili sapagkat mababa lamang ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa mga bansang ito.

Kamakailan lang din ay napaulat na tinamaan ng Panama disease o ang fusarium wilt ang mga sagingan sa Mindanao, isang soil-borne fungus na nakaapekto sa produksyon.

“If left unchecked, this will reduce substantially the Philippines’ exports, disrupt trade in the international markets, and cause suffering [for] banana growers, farmers, workers, and their families, which may lead to social unrest,” wika ni Dar. Sa unang pitong buwan ng 2020, nakapag-export ang Pilipinas ng $1.034 billion halaga ng sariwang saging, mas mababa ng 10.7%  kung ikukumpara sa $1.158 billion sa parehong period noong 2019.

Sa P262.7 milyon para sa industriya, sinabi ni Dar na ang P100 milyon na inilaan ay mula sa Bayanihan to Recover as One Act bilang counterpart fund upang maisaayos ang mga sagingan sa Mindanao na apektado ng fusarium wilt.

Hinimok ni Dar ang PBGEA na tumbasan ang P100 milyon na inilaan ng DA upang magsagawa ng sustainable research at development program na magkokontrol sa fusarium wilt at rehabilitasyon sa apektadong mga lugar.