POSIBLENG magdeklara ang Department of Agriculture (DA) ng food security emergency sa bigas sa Martes sa susunod na linggo.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., natanggap na ng ahensiya ang opisyal na kopya ng resolusyon ng National Price Coordinating Council na nagrerekomenda sa emergency declaration.
“Well, my office just received the resolution yesterday while I was still in the US (United States), which I have to sign as part of the board. Then, probably by Tuesday, we will likely be declaring the rice emergency,” ayon kay Tiu, sa panayam ng mga media sa sidelines ng paglagda ng memorandum of understanding sa pagitan ng DA at grocery chain operator MerryMart Consumer Corp.
Sinabi pa nito na hindi pa lubusang nasusuri ng DA ang resolusyon ng NPCC.
“That is very welcome dahil mababawasan yung mga laman ng mga warehouses at matutuwa na rin ang ating mga farmers na makakabili na ang NFA ng bigas mula sa kanila kasi meron ng paglalagyan,” saad ng agriculture chief.
“And releasing 300,000 metric tons of rice to the market within six months, I think, will soften the market and hopefully bumaba ng kaunti pa yung presyo ng bigas,” dagdag niya.
Ang DA ay nagtutulak para sa deklarasyon ng food security emergency upang mapababa ang presyo ng bigas, na pangunahing pagkain ng mga Pinoy.
Sakaling maisagawa na ang deklarasyon, ibebenta ang NFA buffer stocks sa mga ahensiya ng gobyerno at local government units sa halagang P36 per kilo gram at consumers sa P38 per kg.
Binigyang-kapangyarihan ang DA sa inamyendahang Rice Tariffication Law upang ideklara ang food security emergency sa bigas sakaling magkaroon ng shortage sa supply o hindi karaniwang pagtaas ng presyo ng bigas.
Sinabi nito dati na ang pagpapalabas ng buffer stock ng NFA ay makakatulong sa pagpapababa ng mga presyo gayundin para ma-decongest ang mga bodega bilang paghahanda para sa anihan sa Pebrero.
More Stories
Wembanyama napili bilang isa sa mga reserve para sa kanyang unang NBA All-Star Game
EX-NCAA BASKETBALL PLAYER TINAMBANGAN PATAY
MAGKAPATID NA PASLIT NA-TRAP SA LOOB NG PICKUP TRUCK NG 2 ARAW, TIGOK