Magandang araw mga Ka-Sampaguta. Sana ay nasa mabuti po kayong kalagayan.
Nagtataka tayo sa iba nating mga kababayan. Na sa kabila ng pandemic at MECQ sa ilang lugar, aba’y nagawang maghappy-happy.
Summer nga naman kasi. I-enjoy ang panahon. Thirst quenching ika nga. Kaya nagawa ng iba na magswimming kahit bawal.
Wow, ibig sabihin may pera! Pero, nung di nakuha ng ayuda sa SAP, reklamo to da maks.
Samantalang ang iba ay nagtitiyaga na makakuha ng biyaya sa Community Pantry.
Halimbawa na lamang ng nangyari sa Gubat sa Ciudad resort. Daming naglublob. Wow. Refreshing! Alam nang bawal, pinost pa ng mga karutoy ang picture sa social media.
Dahil gustong magpabida, hayun, inilagay pa kung saan sila nagswimming. Lagot tuloy.
Anyare? Hayun, yari ang may-ari ng resort. Pati opisyales ng barangay gisado rin. Yan ay kung may pagkukulang siyang ginawa.
Itong may-ari ng resort ay eksampol ng matigas ang ulong negosyante. Mapagsamantala. Hindi iniisip ang kaligtasan at kapakanan ng tao.
Lalabag basta lang kumita ng pera. Hindi natin masisisi ang ating mga kababayan na nagswimming. Kasi, para silang manok na hinagisan ng palay.
Matutukso’t matutukso kahit bawal. Kasi pwede naman pala! E ang resulta? Naiisip ng may-ari? Baka magkahawaan.
Kaya, kung may resort na bukas sa panahong nasa ilalim ng paghihigpit, aba’y bad yan!
Kung hot na hot kayong magswimming mga ka-Sampaguita, maligo na lang kayo sa batya. Mahalaga ang pagtitiis kaysa sa pagdurusa.
Viva La Raza!
More Stories
MAYOR HONEY LACUNA AT VM YUL SERVO KAHANGA-HANGA ANG TANDEM
Huling Tula ng Pambansang Bayani
Paggunita sa Kaarawan ni Emilio Jacinto, Matagumpay!