
MANILA — Inutusan ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang National Food Authority (NFA) na simulan ang paglipat ng mga stock ng bigas sa Visayas bilang paghahanda sa PHP20 kada kilo na rice program.
Aabutin ng ilang linggo ang paglilipat ng daanlibong sako ng bigas mula Mindoro patungong Visayas, ayon kay Laurel.
Ang programa, bahagi ng pangako ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay aprubado na ng Comelec, at popondohan ng Food Terminal Inc. at mga lokal na pamahalaan.
May 378,157 metric tons ng buffer stock ang NFA, sapat para sa 10 araw na supply ng bansa. Target ng pilot run ang Visayas dahil sa mataas na poverty rate sa rehiyon.
Plano ng Department of Agriculture na palawigin pa ang programa sa buong bansa hanggang 2028.
More Stories
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela