December 24, 2024

DA INI-EXTEND ANG IMPORT BAN SA PULANG SIBUYAS

PINALAWIG ng Department of Agriculture (DA) ang import ban nito sa pulang sibuyas dahil nanatiling stable ang supply ng lokal na sibuyas.

“As of the moment, hindi talaga kailangang mag-import ng onions… For now, until August,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel Jr.

Nakatakdang mag-expire ang umiiral na import sa katapusan ng Hulyo.

 ”We’re monitoring everything closely, day-to-day iyan (that’s day-to-day). So I guess, we would be extending (it) on a monthly basis,” saad ng ng opisyal.

Gayunpaman nagbabala siya sa mga abusadong traders na may posibilidad na samantalahin ang pagkakataon.

“Baka mayroon diyang unscrupulous na traders o businessmen na baka mag-tighten na mag-release ng stocks,”  ayon sa opisyal.

Nitong Hulyo 5, mayroong 152,839,25 metrikong tonelada ng pulang sibuyas ang bansa, 10,601.42 MT ng dilaw na sibuyas at 63 MT ng bawang.

Maaring tumagal ang imbentaryo ng sibuyas sa bansa ng walong buwan o hanggang Pebrero 2025.

”Warning lang, kapag tina-tighten nila iyan mag-i-import tayo, mag-a-allow tayo ng importation para ma-stabilize ang prices,” dagdag niya.

Naglalaro ang presyo ng lokal na pulang sibuyas sa Metro Manila sa pagitan ng P80 hanggang P150 bawat kilo at P60 hanggang P130/kg para sa puting sibuyas.