December 25, 2024

DA, HOG RAISERS PINAWI ANG PANGAMBA SA KALIDAD NG BABOY (Sa gitna ng pagkalat ng ASF)

Ryan San Juan

PINAWI ng Department of Agriculture (DA) at hog raisers industry ang mga pangamba kaugnay sa kaligtasan at kalidad ng retail pork products sa gitna ng muling pagkalat ng African swine fever (ASF).

Sa isang press conference, sinabi ni DA Assistance Secretary for Swine and Poultry Constante Palabrica, na dinagdagan pa ng Bureau of Animal Industry (BI) ang kanilang checkpoints sa 12 lugar sa Metro Manila, Central Luzon at Calabarzon upang maiwasan ang pagkalat ng ASF.

“Napaka-effective nitong checkpoints na ito, ayaw naming magping-pong iyong mga baboy mula sa infected areas sa uninfected areas north to South, south to north,” ayon kay Palabrica.


Ayon naman kay Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) executive director Jayson Cainglet, kabilang sa ASF cases ay mga “fastbreak” hogs o mga baboy na infected ay mga ipinuslit mula sa mga affected area, na nasasabat dahil sa mahigpit na biosecurity checkpoints ng gobyerno.

Kaya nga doon nagkaroon ng parang pangamba ang mga mamimili sa pagkain ng baboy. Pero hindi siya, kumbaga sa amin sa industry, hindi siya kumbaga nakakabahala,” saad niya sa hiwalay na interview.

Dagdag pa niya, na stable ang supply ng AFP-free hogs.

Ganito rin ang sinabi ni National Federation of Hog Farmers, Inc. (NatFed) chairperson Chester Warren Tan, na may sapat na mapagkukunan ng ligtas na pork products.

Marami tayong sources na makukuha sa North Luzon, even South Luzon, hindi naman po lahat. Very isolated lang din po yung mga cases,” saad niya.

Tiniyak din niya na lahat ng pork products na mabibilo sa local markets at supermakets ay pumasa sa inspeksyon ng National Meat Inspection Services (NMIS).

Iyong ating pork is safe to eat, lalo na yung produce natin dito sa locally-produced,” dagdag niya.

Samantala, binanggit ni Palabrica ang immediate condemnation sa pagkakasabat ng mga baboy matapos harangin ang mga transporters na kulang o walang lehitimong dokumento sa iba’t ibang checkpoints.

“As of now, ang nako-condemn namin ay close to 200, mayroon pang nahuli kagabi, mahigit isangdaan, ibabaon iyan,” aniya.

Binigyang-diin ni Palabrica ang ang matibay na pakikipagtulungan ng DA sa Quezon City local government unit (LGU).

“As a highly-urbanized city, bawal ang piggery at livestock sa Quezon City kaya pinaiigting natin ang inspeksyon. Minabuti nating tumulong sa BAI para matiyak na hindi kumalat ang virus sa ibang lugarpara hindi makaapekto at makapaminsala sa kabuhayan ng ating QCitizens,” ayon kay Quezon City Joy Belmonte.

Saad ni Belmonte, apat na truck ang naharang sa siyudad, kung saan 188 baboy ang nagpositibo sa ASF at 153 ang hawak-hawak nila ngayon dahil sa sintomas ng ASF.