Balik basketbol si Cyrus Baguio mula sa retirement at ngayo’y naglalaro sa Valenzuela City sa MPBL. Nagdebut ang 41-anyos ang na wingman nitong nagdaang linggo. Inakay pa nito ang team sa 87-78 win sa Caloocan City.
Ayon sa kanyang agent na si Danny Espiritu, hindi siya nakipag-usap kay Baguio. Lalo na sa desisyong maglaro muli mula ang magretiro sa PBA.Ngunit, aware siya sa pagbabalik ng 3-time ng PBA champion sa Valenzuela.
Umiskor si Baguio ng 7 points mula perfect 3-of-3 shooting sa field. Dahil sa panalo, napaigi sa 4-2 ang record ng Valenzuela. Nasa sixth place ang team sa 21-team standings.
Nakapagbigay boost ang arrival ni Baguio sa opensiba ng Valenzuela. Lalo na sa mga gunners na sina Roinjay Buenafe, Patrick Cabahug, Andre Armenion. Naglaro ang Iligan City native ng 16 seasons sa 6 na teams sa PBA.
Kabilang na rito ang Red Bull, Burger King, Ginebra, Alaska, Phoenix at NLEX.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo