ARESTADO ang 17 Chinese national matapos salakayin ng mga awtoridadang umano’y cybersex den sa Jaro, Iloilo.
Nilusob ang bahay ng Chinese suspect sa Lawaan Village, Barangay Balantang, Jaro district matapos mapatunayang paglabag sa Section 4 (C) (1) ng Republic Act No. 10175 (The Cybercrime Prevention Act of 2012) o may kaugnayan sa cybersex.
Nabatid na anim na buwan nang nag-ooperate ang grupo ngunit noong nakaraang buwan lamang namonitor ng kapulisan ang aktibidad.
Sinabi na iniimbitahan ang mga babae na pumasok sa nasabing bahay at pagdating doon ay pahahawakin sila ng cellphone saka uutusang pumasok sa mga silid at magsasagawa ng lewd shows para sa mga parokyano ng mga Chinese suspects.
Sinabi ni Benitez na mayroon ding pre-recorded video na maaaring i-play para sa ibang kliyente. Ang mga inuupahang babae ay hindi babayaran ng cash bagkus ay ipinadadala sa kanila ito sa pamamagitan ng mobile wallet.
Naniniwala naman si Col. Joeresty Coronica, hepe ng Iloilo City Police na ang nasabing grupo ay sangkot din sa online dating at romance scams, identity theft at fraud.
Nabatid na nag-hire rin ang mga suspek ng tatlong Pilipina bilang mga kasambahay at apat na lalaki bilang driver-security personnel subalit limitado ang kanilang mga galaw at bawal silang pumasok sa maraming bahagi sa loob ng nasabing bahay.
Kabilang sa mga nakumpiska sa raid ay ang 28 computer units, 49 cellphones, sim cards at iba’t ibang kagamitan.
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI