December 25, 2024

CYBER HYGIENE CAMPAIGN INILUNSAD NG BSP, BANKING GROUPS

SANIB-PUWERSA ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), Bankers Association of the Philippines at ang Bank Marketing Association of the Philippines sa paglulunsad ng isang Cyber Hygiene Campaign para protektahan ang mga Filipino mula sa online scams.

Ayon kay BSP Governor Felipe Medalla, ilalatag ng mga grupo ang “check-protect-report” information drive.

Binigyang-diin din sa kampanya na ang cyber security ay isang “shared responsibility” sa hanay ng financial regulators, industry participants at financial consumers.

Bilang tagapag-taguyod ng ligtas at episyenteng banking practices, sinabi ni BAP President Antonio Moncupa na patuloy na nakikipag-ugnayan ang banking industry sa mga regulator, mambabatas at law enforcement agencies upang epektibong masugpo ang panloloko at ang paglaganap ng cybercrimes.