CAUAYAN CITY, ISABELA – Nagsagawa ang Department of Science and Technology (DOST) Region 02 sa pamamagitan ng Cagayan Valley Health and Development Consortium (PCHRDC) ng dalawang araw na Operation Planning Workshop nitong Pebrero 1-2, 2023.
Isinagawa ang operational planning upang ang komite ay magkaroon ng malalim na pag-unawa at pangunahing direksyon ng operasyon ng CVHRD ngayong taon. Ito rin ay itinatag bilang tugon sa sigaw ng mga tao ng Region 02 upang makahanap ng solusyon sa health problems, sa pamamagitan ng Research and Development (R&D).
Malugod na tinanggap ni DOST Region 02 Regional Director Dr. Virginia G. Bilgera ang mga partisipante at hinikayat silang matuto nang higit pa tungkol sa mga paraan kung saan sila’y makikipag-colaborate, innovate, magsisilbi at unawain ang problema sa health sector.
“Let us redefine our approach and start recalibrating our priority goals to ensure that everyone everywhere is able to enjoy the highest attainable standard of health,” aniya
“Think further, the opportunities are already in our table to bring high quality and specialized care to everyone,” dagdag pa ng opisyal.
Samantala, ipinakita ng mga kalahok ang kanilang mga operational plan sa ikalawang araw nito na binubuo ng iba’t ibang komite tulad ng Governing Board, Capacity Building Committee, Research Ethics Committee, Research Management Committee, Research Utilization Committee at Structure Organization Monitoring and Evaluation Committee.
Dinaluhan ang nasabing workship ng mga opisyales ng CVHRDC sa pamumuno ni Executive Director Julius Capili kung saan ipinakita nito ang Accomplishment Report para sa taong 2022 na
Ang nasabing workshop ay dinaluhan ng mga opisyal ng CVHRDC na pinangunahan ni Executive Director Julius T. Kapili kung saan iniharap niya ang Achievement Report para sa taong 2022 na sinundan ng Monitoring and Evaluation na iniulat ng Regional Program Officer ng DOST-PCHRD-Institution Development Division, kasama ang iba pa.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA