November 21, 2024

Customs revenue target para sa 2024, lumagpas sa 3.45 percent

NALAMPASAN ng Bureau of Customs (BOC) ang target nilang revenue collection nitong Marso 2024, kung saan ito ang ikatlong magkasunod na buwan ngayon taon na patuloy naaabot ang kanilang target sa ilalim ng pamumuno ni Customs Commissioner Bienvenido Rubio.

Base sa preliminary data noong Marso 2024, umabot sa P75.429 bilyon ang nakolekta ng BOC, na lumampas sa target na P72.910 bilyon o 3.45%, na pagtaas na may katumbas na P2.519 bilyon.

Mula Enero hanggang Marso 31, 2024, nalampasan ng BOC an gang cumulative revenue target nito sa 4.03% na nakakolekta ng P219.385 bilyon, kung ikukumpara sa P213.829 bilyon na koleksyon para sa parehong panahon noong 2023.

“The BOC’s strong fiscal performance is attributed to its higher rate of assessment or enhanced system for determining the customs value of imported goods” saad ng BOC.

“The BOC boosted its revenue collection through its strict monitoring and collection of deferred payment of Government Importation,” dagdag pa nito.

Nabatid na kamakailan lang ay nilagdaan ng BOC ang isang Memorandum of Agreement sa Landbank of the Philippines, na nagpapadali sa digital payment ng miscellaneous fees at nag-streamline ng mga proseso ng pagbabayad para sa mga stakeholder upang higit pang mapabuti ang koleksyon nito.

Bukod dito, ang pinalakas na pagsisikap ng BOC sa proteksyon sa hangganan ay makabuluhang nakatulong sa pinahusay na pagganap ng koleksyon nito. Sa pamamagitan ng pagharang sa iba’t ibang smuggled na produkto sa pamamagitan ng maraming operasyon at pangungumpiska noong Marso, epektibong napigilan ng ahensya ang revenue loss dahil sa mga ipinagbabawal na aktibidad.

“The revenue collected by our agency serves as a lifeline for our government coffers, funding crucial national projects such as infrastructure development, education, healthcare, and disaster preparedness. Every peso collected is a testament to our commitment to serving the Filipino people and building a brighter future for our nation,” saad ni BOC Commissioner Bienvenido Rubio.