January 24, 2025

CUSTOMS BINUKSAN ANG ‘ORANGE LANE’ PARA SA DELIKADONG KARGAMENTO

UPANG higit na maiwasan ang pagsasagawa ng face to face transaction na bahagi ng protocol upang makaiwas sa paglaganap ng covid-19 pandemic, nagdagdag ang Bureau of Customs ng isa pang lane kung saan idaraan ang mga kargamento upang makita ang laman nito.

Ang bagong color lane, o ang tinatawag na Orange lane, ay bahagi ng Improvement of Risk Management System na itinatakda sa BOC 2020 10-Point Priority Program, Customs Risk Management Steering Committee o CRMSC na saklaw ng Universal Risk Management System o URMS.

Layon ng URMS na mapalakas ang kapabilidad  ng ahensiya sa pagtugon sa posibleng  panganib mula sa mga dumarating  na kargamento.

Sa pamamagitan ng Orange lane, ang mga medium to high risk cargoes, ang mga goods o produktong minarkahan ng orange ay kailangang dumaan sa  x-ray scanning at sa oras na makitang kasuspe-suspetsa ang kargamento ay bubuksan upang dumaan sa  physical examination.

Una nang naglunsad ng Green, Yellow at  Red lanes ang BOC na dito ay inuuri ang mga produktong ipapasok sa bansa.

Ang  Red Lane na para sa  high risk cargoes ay otomatikong daraan sa x-ray scanning at sa physical examination.

Ang Yellow lane ay para sa mga kargo na minarkahang na  low to medium risk na dito ay mga dokumento ang tsinetsek habang ang  Green lane ay para sa mga ligtas o low risk lamang.