HINATULAN ng Manila Regional Trial Court ng habambuhay na pagkakakulong ang Custom broker na si Mark Taguba at dalawang iba pa, dahil sa kanilang naging papel sa kontrobersiyal na smuggling ng P6.4 bilyon na halaga ng shabu. Ang naturang isyu ay subject ngayon ng pagdinig ng QuadComm.
Sa isang 37-pahinang desisyon na isinulat ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng ManilaRegional Trial Court Branch 46, napatunayang guilty sina Taguba, Eirene Mae Tatad at Dong Yi Shen, alyas “Kenneth Dong,” dahil sa paglabag sa Section 4 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act (Republic Act No. 9165). Pinagmumulta rin sila ng P500,000 bawat isa.
Nag-ugat ang kaso mula sa kontrobersiyal na kargamento ng 602,279 kilo ng shabu noong Mayo 2017.
Inilagay naman ng korte sa archive ang kaso laban sa iba pang indibidwal na isinangkot din sa shipment na kinabibilangan nila Chen Julong, alyas ‘Richard Tan’; Li Guang Feng; Teejay Marcellana at Chen I-Min.
Nanatili namang aktibo ang arrest warrant na inisyu laban sa kanila ng korte. (ARSENIO TAN)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA