
PASIG CITY — Umugong ang tanong ng pagkakalinga sa taumbayan matapos ilantad ni philanthropist Curlee Discaya, asawa ni mayoralty candidate Ate Sarah, ang umano’y hindi makataong paggasta ng ₱9.6 bilyong budget ng kasalukuyang administrasyon sa Pasig.
Ayon kay Discaya, sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Vico Sotto, buong pondo ay ginugol umano sa iisang proyekto — ang pagtatayo ng bagong City Hall. Wala umanong inilaan para sa ospital, eskwelahan, pabahay, imprastraktura sa mga barangay, o tulong sa mga pinaka-nangangailangan.
“₱9.6 bilyon para sa isang gusali? Samantalang ang daming Pasigueño ang nangangailangan ng ospital, klasrum, at tahanan? Para kanino ba talaga ang pondo?” tanong ni Discaya sa isang pahayag.
Ibinunyag din niya ang detalyadong plano ni Ate Sarah kung paano ang parehong budget ay puwedeng ilaan sa sampung pangunahing proyekto na direktang makikinabang ang mga taga-Pasig:
- ₱2.7B – Bagong City Hall (katulad ng kasalukuyang plano, pero mas mababa ang halaga)
- ₱500M – Isang pampublikong ospital
- ₱2.0B – Limang 11-storey housing buildings para sa informal settlers
- ₱500M – Isang pampublikong unibersidad
- ₱500M – Limang bagong high school
- ₱500M – Limang elementary school
- ₱300M – Dalawang bagong tulay
- ₱100M – Sampung bagong kalsada sa Brgy. Pinagbuhatan
- ₱100M – Sampung drainage at flood control projects
- ₱1.5B – Tatlumpung multi-level covered courts at multipurpose halls
Kabuuan: ₱9.6 bilyon — pero ayon kay Discaya, sa plano ni Ate Sarah, lahat ng sektor ay may natatanggap: edukasyon, kalusugan, pabahay, kaligtasan, at kabataan.
Dahil dito, binatikos ng kampo ni Ate Sarah ang administrasyong Sotto sa umano’y “one-building budget” na hindi raw nakarating sa mga ordinaryong mamamayan.
Sa social media, hati ang reaksyon ng publiko. May ilang sumusuporta kay Mayor Vico, habang dumarami rin ang nagtatanong: “Bakit isang gusali lang? Nasaan ang mga proyekto para sa barangay?“
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo ni Mayor Vico ukol sa isyung ito. Sa nalalapit na halalan, naging sentro ng debate ang tanong: Saan nga ba napupunta ang bilyong piso ng Pasig? At sino ang tunay na naglilingkod sa bayan?
More Stories
Xyrus Torres, Nagpakawala ng Tirang Panapos! NLEX Tinodas ang Ginebra, 89-86
BAGONG SANTO PAPA, HAHARAP SA ‘MAHIRAP AT MASALIMUOT’ NA PANAHON SA KASAYSAYAN
HVI tulak, huli sa buy bust sa Valenzuela, P476K shabu, nasamsam