KINUMPIRMA na stroke ang naging sanhi ng kamatayan ng 28-anyos na si Darren Peñaredondo ng General Trias, Cavite matapos itong sapilitang pinag-squat ng 300 beses ng pulisya.
Sa kopya ng death certificate ni Peñaredondo na nakalap ng Agila ng Bayan, kasama sa causes of death ang cerebrovascular infarct midbrain at hypertensive cardiovascular disease.
Ayon kay Dr. Raquel Fortun, isang forensic pathologist na naglabas ng kopya ng death certificate, namatay si Peñaredondo dahil sa stroke sanhi ng hypertension.
Ipinaliwanag din niya na sinasabi sa death certificate na ito ay dahil sa “natural causes.”
Idinagdag pa ni Fortun na bagaman imunungkahi ng death certificate na ang pagkamatay ni Peñaredondo ay “natural,” ang mga physical activities ay maari ding maging isang kadahilanan.
Sa death certificate lumalabas na natural (due to disease). But was physical exertion a factor? Puwede, but you have to evaluate everything,” ayon kay Fortun.
Ayon sa ulat, bibili lang sana ng tubig si Peñaredondo sa General Trias, Cavite pero inaresto siya dahil sa paglabag sa curfew noong Abril 1.
Dinala siya sa Municipal Hall of Malabon sa General Trias kung saan umano pinuwersang mag-ehersisyo ng 300 beses.
Inumaga na umano ng uwi si Peñaredondo, at makalipas ang ilang oras ay kinombulsyon, nahimatay at nasawi kalaunan. Sabi ni Balce, mayroong sakit sa puso si Peñaredondo nang gawin ang parusa.
More Stories
PAGGUNITA SA ALL SAINTS’ DAY GENERALLY PEACEFULL
NOVEMBER 4 IDINEKLARANG NATIONAL MOURNING PARA SA KRISTINE VICTIMS
Pang. Carlos P. Garcia, Ama ng Kilusang Pilipino Muna