Upang payagan ang mga residente na dumalo sa tradisyunal na Simbang Gabi o pang madaling araw na misa para sa Pasko at Bagong Taon, binago ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang kanilang curfew ordinance.
Nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco ang City Ordinance 2020-49 na nagbago sa Section 4 ng nakaraang curfew ordinance ng lungsod.
Ang bagong curfew ordinance ay simula 11 PM hanggang 2 AM para sa mga adults sa December 15-23, 2020. Aalisin ang curfew sa December 24, 25, at 31, 2020 at sa January 1, 2021.
Magpapatuloy naman ang 24-oras curfew para sa mga minors hanggang sa matanggal ang community quarantine.
“We are still in the middle of a pandemic, and as long as we have COVID cases in the city, the health and safety of our people will remain our top priorities,” ani Mayor Toby Tiangco said.
“While we are relaxing our curfew, we remind everyone to be vigilant and follow the safety protocols. Always wear your face mask and face shield, keep your distance, and wash your hands frequently,” dagdag niya.
Handa ang mga simbahan sa lungsod na doblehin ang bilang ng mga tao bawat gabi upang mapaunlakan ang mas maraming mga tao at tiyakin pa rin na sinusunod ang physical distancing. Pinapayagan ang mga religious activities hanggang 30% na kapasidad sa mga lugar sa ilalim ng general community quarantine.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE